Komedya

Saturday, October 30, 2004

Sasama o Hindi Sasama

Kahapon ay kausap ko sa Yahoo Messenger ang bestfriend ng aking kapatid. Bigla kasi ako niyaya umalis ng kapatid ko kagabi. Tapos tinanong ko kung gusto nya sumama sa amin. Sabi nya enrollment daw niya ngayon kaya di daw siya makakasama. Pagkatapos noon ay inantay na namin yung isang kaibigan ng kapatid ko sa meeting place namin. Maya-maya, biglang tumawag yung bestfriend ng kapatid ko. Tinatanong niya kung saan na daw kami. Sabi ng kapatid ko nasa simbahan pa kami. Sabi niya, nakabihis na daw siya, at sunduin namin siya.

Natawa lang naman ako sa mga pangyayari. Biglaan kasi ang lahat. Noong una sabi niya hindi siya sasama. Pagkatapos ba naman biglang sasama at siyempre nakabihis na di ba. Hehehe! At kaya pala sasama.. ehem ehem.. may kikitain pala. Hahaha! Asar talo tuloy yun sa amin. Hehehe!

Thursday, October 28, 2004

Megamall Trip

Noong isang beses ay nagkita kami sa Megamall ng aking kaibigan na parang 48 taon ko ng di nakikita. Hehehe. Pagdaan namin sa Ground Floor sa Building A, sinambit niya,

"Karla, si Marvin Nievera ba yun?"

Sabi ko naman,

"Loka, si Martin Nievera naman yung sinasabi mo!"

Tapos napatakip siya ng kanyang bibig at nag-umpisang humalakhak. At siyempre, ako rin napatawa. Hehehe!

Tapos pumunta naman kami sa Cinderella kahit wala kaming parehong pambili. Hehehe! Tapos, nakita niya yung isang nakadisplay na shirt na nakatawag din sa akin ng pansin, sabi niya,

"Tignan mo itong Carterpilar, ang ganda oh.."

Sabi ko,

"Carterpilar ka diyan. Caterpilar yun di ba? Hehehe"

Siyempre aminado naman ako na nabubulol din ako. Hehehe! Pero di ko talaga nakayanan si Marvin Nievera. Hehehe!

Saturday, October 23, 2004

Shawarma! Shawarma!

Nagfood trip din kami sa Harrison Plaza kahapon. Naisipan naming kumain ng Shawarma. Eh dahil madami doong nagtitinda ng shawarma. Inisa-isa namin. Yung Shawarma! Shawarma!, madaming tao. Pag daan namin sa iba,

"Yak! Nilalangaw!"

At talaga nga namang literal na nilalangaw ang kani-kanilang mga stall. Hehehe!

Siyempre, sino ba naman gustong kumain ng pagkaing dinapuan na ng langaw. Siyempre meron na yung "live microorganisms" na hindi mo matatagpuan sa Nestle Yogurt. At ang "live microorganisms" na iyon ay hindi makakabuti sa kalusugan. Siyempre doon na kami sa tinatao kesa doon sa nilalangaw.. hahaha!!!

Trivia na ito!

Kaninang hapon ay nagpasama sa akin ang aking kaibigan sa Harrison Plaza. Kailangan daw kasi niya ng kopya ng Philippine Constitution para sa asignatura niyang, Philippine Government.

Dahil nga naman madaming seksyon ang National Bookstore, minarapat niyang magtanong sa sales lady.

"Meron kayong Philippine Constitution?"

Tanong naman ni sales lady,

"Sinong author?"

Noong una eh pareho kaming napailing dahil nagtataka kami kung bakit kelangan pa tanungin ang author noon dahil marami nga naman silang nagsulat non. At ang sinabi na lang ng kaibigan ko,

"Hindi Miss, yung parang pamphlet. (pero pamphlet nga naman talaga ung itsura nya)"

Dali-daling kinuha ng sales lady ang isang kopya ng Philippine Constitution. Nang nakuha na ng aking kaibigan, pumunta agad kami sa Cashier. Habang papunta doon ay napag-usapan namin ang tanong ng sales lady. Sabi ko,

"Di ko maintindihan kung bakit kailangan pang itanong ang author. Tapos, di ko rin maintindihan kung pinagtitripan niya ba tayo o ano."

Sabi naman niya,

"Oo nga eh.."

Nang ikwento ko naman ito sa isa kong kaklase noong High School, ang sabi naman niya,

"Baka naman may hidden camera doon at di nyo lang alam... Hehehe!"

Hmmmm... Sa tingin nyo ano?

A. Nasanay lang talaga siyang magtanong kung sino ang author dahil hindi siya nakapag Soup Snax?

B. May hidden camera nga ba talaga na maaaring gamitin sa Wow Mali?

C. Nasobrahan lang siya sa panonood ng Laban o Bawi at Todo Knock Out ng Eat Bulaga?

D. Wala sa lahat.

Thursday, October 21, 2004

Ethel Booba of Extra Challenge

Kagabi ay nanood ako ng Extra Challenge kasi matatapos na yung Bratinella episode. At ang nagwaging Bratinella kagabi ay si Cristine Reyes ng Starstruck. Paano ba naman, natulog sa set, nagwalk-out, nagmura sa loob ng glass cage habang kasama ang mga ahas. Siyempre trip na trip talaga si Cristine ng mga ahas dahil siya ay isang tunay na Bratinella.

Pagkatapos ay may pinakita na mga Ka-takowts ni Ethel Booba. Hehehe!

Ang mga ka-takowts ni Ethel Booba kagabi ay:

"Thumb Rider"

Pero dapat Tomb Raider ito.

At ang bida daw sa Tomb Raider ay si,

"Sarah Croft"

Pero si Lara Croft yun. Hehehe.

At ang paborito nyang salita ay...

"Pasaway"

Kaya't huwag kang pasaway at pumunta ka sa Ethel Booba Dictionary ng madiskubre mo ang kalaliman ng kanyang bokabularyo. Mwahahaha!

Wednesday, October 20, 2004

Sa paglilinis ko ng aking desktop...

Sa aking paglilinis ng aking desktop kanina dahil malapit na naman mapuno ang screen ng mga sangkatutak na files at yung iba namang mga files ay hindi kailangan, minarapat kong magsagawa ng "General Desktop Cleaning". At natagpuan ko ang litratong ito:

Thanks to Normz Dellosa for the image

Ang nasabing litrato sa itaas ay kuha ng aking kaibigan gamit ang kanyang camera phone. Nakita nya lamang ito sa daan. At nong nagkausap kami sa Yahoo Messenger ay dali-dali niya itong ipinadala sa akin.

Hmmm... sino naman kaya ang may-ari nito? Ricky Martin ikaw ba yan? hahaha!

RealEATv at Laban o Bawi

Kanina ay nakanood na naman ako ng Eat Bulaga. At unang beses kong napanood ang RealEATv na kung saan ay nagpapaunahan si Anjo Yllana (na may misyong maging Dance King) at si Toni Rose (na may misyong maging Concert Queen) na matapos ang kanilang misyon. Ipinakita kanina si Anjo na tinuturuan ng ilang dance steps ng kanyang choreographer. Cool na cool pa rin si Anjo kahit sadyang matigas talaga ang galaw ng kanyang katawan. Nagpakitang gilas pa nga siya sa TV na kung saan ay sumayaw siya, ngunit hindi pa rin ako nabilib. Pagkatapos, pinakita naman si Toni Rose na nagsasagawa ng voice lessons. Kahit papaano ay umaayos naman. Minsan nga lang, eh natatawa na lang siya bigla o kaya naman ay nawawala siya sa konsentrasyon. At ang kanyang dahilan...

"Kinukulam yata ako ni Anjo eh."

My gahhhhd!!! Uso pa rin ba ang mga voodoo doll ngayon? Hehehe!

At yung sa Laban o Bawi naman, kakaiba talaga ang cash prize ngayon. Paano.. may butal!!! Ang cash prize kanina ay tumataginting na:

P 70,114.50

Saan ka pa?

Sabi pa nga ng babaeng nagwagi ng ganoon halaga ay bat di pa daw gawin, P 70,120 para wala ng butal. Hehehe!

Tuesday, October 19, 2004

Ang mga aso namin dito sa bahay

Ang mga aso namin dito sa bahay ay sina Donna at Andre. Si Andre ay anak ni Donna. At nito lang ay nanganak ang amin aso si Donna ng apat na tuta. Yung isa pa nga ay naisip namin na "Illegitimate child" dahil sa siya lang ang merong mga itim na bahagi sa kanyang katawan. Yung iba kasi, puro kulay brown at puti. Hehe. Ang paboritong gawain nina Andre at Donna ay manghabol ng mga tricycle driver sakay ng kanilang humaharurot na motor. Paano ba naman hindi haharurot yung mga yun eh ang sasama ng tingin nila Donna at Andre at syempre pa nakakatakot nga naman yung mga tahol nila. Yung mga tahol nila ay tila nagsasabing,

"Lalamunin kita!"

At ang paboritong gawin naman ng mga tuta ay magkumpulan. Biruin mo, ang lugar na kinapaparoonan nila ay maluwag para sa kanilang apat ngunit siksik talaga sila ng siksik. Pero minsan, may isa talagang lumalayo sa kanila. Tawagin natin siya sa pangalang LONER. Minsan, si LONER ay lumalayo sa kanila ng isang dipa at tumutunganga lang. Tapos meron naman isa sa kanila na magugulatin sa tuwing binubuksan namin ang pintuan. Hehe. Buti na lang at wala siyang problema sa puso. Hehehe!

At ang mga aso pala namin ay mga purong askal. =)

Saturday, October 16, 2004

Mga Nakakatuwang Bagay na maaaring makita sa isang C.R.

Noong Biyernes ay nag-exam ako sa isang kumpanya. Pagkatapos ay nakigamit ako ng kanilang restroom. At ang unang bumulaga sa akin ay ito.



Unang bagsak... Wapak! Sa tingin nyo ba ay merong pumapasok sa opisina na gumagawa ng pagtapak sa inidoro?

Ikalawang bagsak... Wapak! Bakit ba kelangan doblehin ang PLEASE eh kung pwede naman na isa lang di ba?

Ikatlong bagsak... Wapak! At kelan ba naging diposable ang FEMININE HYGIENE? My gaaahhhhd! Balita ko SANITARY NAPKIN ang tawag doon.

At siyempre may pahabol pa. Bago ako tuluyang makalabas sa naturang restroom. Ito naman ang bumulaga sa akin.



Ika-apat na bagsak... Wapak! Hmmm... hindi kaya ma-bulaga ang kliyente nila yan kapag kanilang nabasa ang nakalagay diyan? Baka mamaya isipin nila eh monkey business yang ginagawa ninyo.

Hmmm... watcha think?!?

Thursday, October 14, 2004

More Eat Bulaga

Kanina ay kumain ako ng aking almusal na natapat na sa oras ng pananghalian. Almusal pa rin ang tawag ko doon dahil iyon ang aking unang kakainin para sa araw na ito. At siyempre, pang-almusal pa rin ang ulam ko gaya ng corned beef at tortang talong. At siyempre, gaya ng sinabi ko dati, routine na ang panonood din ng Eat Bulaga habang ako ay kumakain.

Napanood ko ang Laban o Bawi kanina. At ehem ehem, sadyang hindi talaga nagwawala ang mga katatawanan tulad nito,


Q: Anong kakalabasang kulay kapag pinaghalo at pula at asul?
Contestant1: Buzz!!!! Orange!!!
Contestant2: Buzz!!!! Yellow!!!


Hmmmmm... kelan pa naging kahel (orange) ang pula at asul? At ang yellow my gaahhhd! Ang yellow ay kabilang sa tinatawag na "primary colors" at kahit pagbaligtad-baligtarin mo ang lahat, hindi yan magbabago.

At ito pa ang isang kapansin-pansin,


Q: Anong holiday ang ipinagdiriwang tuwing katapusan ng Oktubre na kung saan ay ginagawa ang Trick or Treat?
Contestant1: Buzz!!!! All Soul's Day?!?
Contestant2: Buzz!!!! Araw ng mga patay?!?


Mga repapips, alam naman nating lahat na ang All Soul's Day ay ika-2 ng Nobyembre ipinagdiriwang. Napaka-obvious na nga naman na hindi siya ginaganap sa katapusan ng Oktubre. At ito pa, ang Araw ng mga patay ay ika-1 ng Nobyembre. Toink!!!

********


Hmmmm... ang isang isyu ngayon sa Eat Bulaga ay kung mauuna bang matutong kumanta si Toni Rose Gayda (spellcheck please) kaysa kay Anjo Yllana na tinuturuang magsayaw. Nabalitaan kong nahihirapan daw ang choreographer ni Anjo Yllana sa kanya. Hehehe. Excited ako sa bahaging ito. Hehe. Maging birit queen kaya si Toni Rose o maging macho dancer kaya itong si Anjo Yllana? Hmmmmm... Whatcha think?!?

Monday, October 11, 2004

Graduation

Ang daming mga kakaibang pangyayari noong araw ng graduation. Sabi nga nila,

"Graduation is a solemn event. Clapping, jeering, cheering and wooing must be avoided."

Pero huwag ka, dahil sabi din nila,

"There are some rules that are meant to be broken."

At nangyari nga ang mga inaasahan. Sa bawat banggit ng pangalan ng tatanggap ng ganitong award eh magpapalakpakan agad ang mga tao, lalo na ang mga magulang. At siyempre, may cheer pa din. Hehehe. Ganyan talaga ang nagagawa kapag "proud" ka. Kulang na lang ay isigaw ng mga magulang ng Summa Cum Laude na,

"Anak ko yan!!! Nagmana sa akin yan!!!"

Ang ilang pang mga nakakatuwang eksena noong araw ng aming pagtatapos ay kung saan ay ang camera na kung saan ay ipinapakita sa live screen ng mga dinadaanan nito ay natapat sa mga graduate. Para nga akong nanonood noon ng noontime show tulad ng MTB at Eat Bulaga, pwede na rin natin isama ang old school noontime show na Lunch Date. Hehehe. Kumakaway kasi yung mga graduate non. Meron pang iba na naghagis ng kanilang toga sa ere.

Tapos yung isa pa, sabi din kasi na bawal magdala ng camera. Tapos, pagtingin ko sa Balcony, may kumukuha ba naman ng litrato. Pero hindi naman yung entablado yung kinukuhanan ng litrato. Ang kinukuhanan ng litrato ay yung nasa baba. Ang masasabi ko lang diyan,

"20/20 vision mo girl! Ang galing!"

Biruin mo, nakuhanan ba naman ang dapat kuhanan ng litrato. Hehehe. Pagkatapos naman, may napansin akong biglang may mga nagflash mula sa aking likuran. Tila isa silang army na sabay-sabay silang naglabasanan ng kanilang mga armas at sabay-sabay ding pinindot ang gantilyo.

Tapos ito pa, dahil siyempre higit 800 daan kaming nagmartsa. Inaantay talaga namin mabanggit ang kahuli-hulihang tao na kukuha ng kanyang diploma. At nong banggitin ang kanyang pangalan, instant celebrity siya bigla. Tinanong pa ako ng aking ama kung sikat daw ba talaga yun sa aming pamantasan. Napakadramatic ba naman kasi. Hehehe. Para silang magkumpare ni Bro. Armin na matagal ng di nagkikita. At diyan pumasok ang cheer ng mga graduate at iba pang nandoon sa Plenary Hall ng PICC.

Sadyang madami talagang mga kakaibang pangyayari nong Graduation Day. Ano naman kaya ang mangyayari pagkatapos?

Friday, October 08, 2004

Resident Evil 2: Apocalypse


Copyright by Sony Pictures


Nanood kami kagabi ng aking nakakatandang kapatid ng Resident Evil 2: Apocalypse. Noong una nga pinapili niya ako kung Bourne Supremacy o yung Resident Evil ang gusto kong panoorin. Dahil masmaaga ang showing ng Bourne Supremacy, pinili ko na lang yung Resident Evil para siguradong hindi ako mahuhuli sa pagdating ko sa Makati. Galing pa kasi ako non sa bahay.


Copyright by Resident Evil


Ang pelikulang napanood namin ay sequel ng naunang pelikula, Resident Evil: Genesis. Hindi ko napanood yung unang bahagi ng pelikula nito kung kaya't wala akong basihan para maikumpara ang dalawa. Pero yung kaibigan ko na napanood ang parehong pelikula ay sinasabing masmaganda ang part 1. Naisip nyo ba na kadalasan, masmaganda ang part 1 ng pelikula kaysa sa kasunod nito? Nagkaroon na ba ng panahon na masmaganda ang part 2 kaysa sa part 1? Hmmmm... Kung naaalala nyo, isang popular na sequel ang Shake, Rattle and Roll na isang tipikal na Filipino Horror Film. At isa pa itong si Chucky, na hindi ko rin maintindihan kung bakit bata pa rin siya hanggang ngayon. Sa bagay, isa kasi siyang manika. Hehehe.

Noong pinanood ko naman ang pelikula, nakita ko naman ang consistency nito sa game na Resident Evil. Kitang kita nga naman sa litrato na binabaril ng bida ang zombie.

Noong pinakita ang mga zombie, ang una ko agad na naisip ay ang pelikulang Dawn of the Dead. Ang kaibahan nga lang, masmabilis yung mga zombie sa Dawn of the Dead kaysa sa Resident Evil. Pero di ba mabagal talaga kumilos ang mga zombie? Hmmm... Nakainom kaya ng Extra Joss ang mga zombie sa Dawn of the Dead? Hehehe.


Nemesis and Hell Boy. Copyright by Hell Boy and Resident Evil.

Pagkatapos naman ay noong nakita ko namin si Nemesis. Ang una namin reaksyon ni Kuya ay,

"Hell Boy, ikaw ba yan?!?"

Paano ba naman di mo maikukumpara ang dalawa, eh pareho silang dambuhala. Yun nga lang, si Nemesis ay produkto ng Umbrella Corporation.

At syempre pa, sadyang katuwa-tuwa ang anti-virus na ginawa ng ama ng batang hinahanap nilang lahat na inangkin ng Umbrella Corporation. Biruin mo, pagkaturok ng anti-virus ay magkakaron ka ng marka na logo ng Umbrella Corporation. Hmmm... hindi naman sila mahilig niyan sa Stamp Pad? Hehehe!

Kung wala kayong atake sa puso, panoorin niyo itong Resident Evil. Madami kasing mga eksenang nakakagulat. Hehe!

Thursday, October 07, 2004

TrippENGs

Sadyang malakas lang mangtrip ang mga taga College of Engineering kanina. Tama ba naman pagkatapos sabihin ng Vice Dean na,

NO CLAPPING, JEERING, etc...,

ay maya't maya ang pagpalakpak ng ilan sa mga mag-aaral. Ayan na...

Lakas TrippENG 1!!!

Buti na lang at hindi pikon si Vice Dean pero syempre dahil nga naman mamartsa na, at dahil yun na ang kahuli-hulihang magagawang pangtitrip sa kanya ng mga mag-aaral na gagradweyt na. At sa aking palagay, yan yung naisip nya. Hehe!

Pagkatapos, binasa nya yung pangalan ng mga graduate at yung award na matatanggap (yan ay kung meron man). Nong binasa ang pangalan ng unang estudyante, nataon na may award din ang naturang estudyante. Sabi ng ibang graduates,

"woooooo!!!"

Pagkatapos, yung sumunod na estudyante, walang award na natanggap. Pero matindi talaga ang trip dahil nag-react pa rin ang iba. Sabi naman nila ay,

"Awwwwwwww..."

Lakas TrippENG 2!!!

Pagkatapos tawagin lahat ng pangalan ay nagkaroon ng Open Forum. At syempre, ang mga paunang salita ay isa pa ring trip.

Lakas TrippENG 3!!!

STUDENT 1: Masyadong madali naman yung thesis ng ECE, baka pwedeng hirapan ng konti.

Sabay bawi ni Student 1 ang kanyang sinabi. At dahil sanay na sa trippENG si Vice Dean ay tinawanan nya lang ito.

STUDENT 2: Lagyan ng elevator.

Hmmm... naisip ko lang kung saan ba nila pwede maisiksik ang elevator na yan. Ako kasi halos lahat ng klase ko ay sa ika-limang palapag ng Velasco kung kaya't minsan ay naiisip kong bakit hindi nila ito nilagyan ng elevator. Para kasing Banawe Rice Terraces ang steps ng hagdan sa aming gusali. Minsan malaking hakbang ang kelangan, minsan naman ay maliit.

STUDENT 3: Party with the CLA.

Hmmmm... isa lang masasabi ko kay Student 3. Ehem Ehem... Hayok ka sa chikas!!! Magkalapit lang naman ang gusali ng COE at CLA at syempre pa, academic concerns ang usapin at hindi social concerns.

Haaayyyy... Mga StudENGt nga naman ng COE... Lakas TrippENG!!!

Tuesday, October 05, 2004

Amazing Marathon

CONTEST OBJECTIVE:
Makabili ng disenteng susuotin para sa Baccalaureate Mass at sa araw ng aking Graduation.

LOCATION:
Glorietta, Landmark, SM, di na pwede isama Greenbelt dahil masyado nang nakakapagod yun.. Hehe

CONTEST RULES:

1. Isang araw para mabili ang mga sumusunod: blouse, skirt, sapatos na may heels at stockings.

2. Pwedeng magpabalik-balik sa Glorietta, Rustan's, Landmark at SM.

3. Di na pwedeng pumasok ulit sa isang boutique na napasukan na.

4. Makapagsukat ng marami sa limang damit sa loob ng fitting room.

At ito na po ang Amazing Marathon! At siyempre pa, ako ang nag-iisang contestant, at kasama na ang mga iba pang nagpapanic shopping para sa nalalapit na Graduation Day! At syempre meron akong katulong sa aking quest, si Beth ang sidekick ng aking nanay! Masgusto ko sana makasama yung nanay ko sa contest na ito. Siyempre, exotic ang taste ni Mommy. Hehehe!

Napagod lang naman ako ng sobra sa pag-iikot ko sa tatlong mall na iyan. Isipin mo ito, para akong naglakad mula RCBC Plaza hanggang Rustan's round trip (exaggerated version ba ito?... esep esep!!!)

Hay... ilang araw na lang Graduation na!!!

Monday, October 04, 2004

Wa Poise!

Umalis ako ngayon ng bahay suot ang aking "corporate look outfit". Akala nga ng mga helper namin sa bahay ay papasok ako ng opisina. Sabi ko meron akong "job interview". Pagkatapos ay kumuha ako ng tricycle para pumunta sa Main Road nang makakuha agad ako ng Taxi. Mukha kasi akong mayaman sa aking suot, mahirap na baka mapagdiskitahan pa ng mga hinayupak na manggugulang sa daan. Biruin mo, nakasuot ako ng blazer, blouse, slacks at de balat na sapatos. Kadalasan kasi kapag nagpupunta ako ng Makati, sumasakay ako ng bus para tipid sa pamasahe. Kaya kanina, maspinili ko na lang gumastos kaysa magmukhang basang sisiw sa aking Job Interview o kaya ay maholdap.

Dahil sa inutusan ako ng aking nakakatandang kapatid na bayaran ang kanyang credit card, dumaan muna ako sa Standard Chartered Bank sa Ayala Avenue. Nakakatawa nga kasi di ko alam kung saan ako magbabayad at kung saan ako kukuha ng form. Sa aking pagmamasid, nakita ko na nasa may gawing kanan ko lang pala matatagpuan yung mga form. Dali-dali akong kumuha ng envelope at saka ko sinulatan ang impormasyong hinihingi. Pagkatapos ay pumila ako. Pakiramdam ko nga ay nakapila ako sa bilihan ng tikets sa sinehan, ang haba kasi tapos ang tagal pa. Noong ako na ang susunod, nasabik ako dahil sa wakas, ay matatapos na rin ang inutos sakin ni Kuya para naman makapagpakuha na ako ng litrato. Nong sinabi na sa touch screen monitor na ihulog na daw ang envelope, tila gusto ko nang matunaw noong napansin ko na sa "slot" na pinagpipilitan kong mai-shoot ang envelope ay may label na "SWIPE YOUR CARD HERE".

WA POISE ALERT 1!!!

Nong napansin ko yun ay agad kong hinanap yung may mga titik na "ENVELOPE". Natagpuan ko rin pagkatapos ng ilang segundo. Nakakahiya talaga iyon kasi ang pormal ng itsura ko tapos biglang ganoon ang nangyari.

Pagkatapos ng transaksiyon sa naturang bangko ay sumakay agad ako ng bus papuntang Rustan's dahil masyado pang maaga para pumunta sa 6750 para sa aking interview. Pagdaan sa harap ng Rustan's ay bumaba agad ako. Pagkatapos ay paghakbang ko sa may Sidewalk ay muntik na akong madulas kasi nga kakatapos lang ng ulan non. Ayan, parang gusto ko ulit matunaw sa hiya.

WA POISE ALERT 2!!!

Buti na lang hindi na ito nasundan sa mismong job interview, kundi, initial interview pa lang yari na ako. hehehe!

Sunday, October 03, 2004

Ang mga Bibo kong Pamangkin

May mga pamangkin ako, kambal sila at ang pangalan nila ay Justin and Lance. Ngunit ang pangalan nila, sa maniwala't kayo at sa hindi, ay hindi galing sa dalawang kasapi ng Boy Band na N'SYNC na sina Lance Bass at Justin Timberlake. Kaya Justin ang pangalan niya dahil pinaghalong Jay at Tintin (palayaw ng kanilang mga magulang) at kaya naman ganoon ang pangalan ni Lance dahil yan lang naman ang pangarap ni Kuya na maging pangalan niya. Pareho naman silang may Gregory dahil ang Kuya ko ay may Gregorio sa kanyang pangalan.

Bibong bibo ang aking mga pamangkin. Hindi lang bibo, makulit at malikot pa. Kadalasan kapag bagong gising ang itsura ko at kapag nakita nila ako, sasabihin nila sa akin, "Di kita bati Tita Karla." Pero minsan, sobrang lambing naman sila. Hehehe.

At kung mga pelikula ang pag-uusapan, mahilig silang mangkalikot sa DVD collection namin sa bahay at kapag may nakitang DVD na nakatawag sa kanilang pansin, itatanong nila sa akin, "Nakakatakot ba ito Tita Karla?" Sadyang mahilig sila manood ng DVD dito sa bahay. Ang mga paborito nila ay Terminator 3, Animatrix, 2 Fast 2 Furious, Torque at ang walang kamatayang Spider-Man. Ginagaya nila yung linya ni Arnold Swarchzeneger na, "Talk to the Hand". Pagkatapos, kapag namimili naman kami sa Grocery at kapag kasama namin sila, ginagaya nila yung Train Scene na nasa eksena ng Spider-Man 2. Ang ginagawa nila, pinipigil nila yung pag-abante ng grocery cart katulad ng pagpigil ni Spider-Man sa tren. Paborito din nila gayahin ang ibang mga patalastas sa TV. Katulad na lamang ng Coke Ko Toh! na patalastas. Ngunit sila ay mali ng rinig, dahil ito ang kanilang nasasambit na linya,

"Ito ang pizza pie, pizza pie, pabilis pabilis, gets ko na.. aaaahhhhhhhh.. Coca-Cola!"

Kapag nakikita nila yung patalastas ng Bonakid, natatakot sila. Hindi ko nga alam kung bakit. Minsan nga nong naiwan ko si Justin mag-isa sa sofa dahil hinabol ko si Lance dahil lalabas siya sa likod ng bahay, biglang umiyak si Justin. Pagkakuha ko kay Lance ay dali-dali kong pinuntahan si Justin at tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Sabi nya nakita daw niya si Bonakid, nasa labas daw ng bahay. Pagkasabi niya non, dumungaw ako sa may bintana, ngunit wala akong nakitang ibang tao.

Kung musika naman ang pag-uusapan, paborito nila ang Linkin Park, at Evanescence. Gustong gusto nila yung kantang Bring Me to Life ng Evanescence at ang mga gusto nilang kanta ng Linkin Park ay Track 3 at Track 7 ng isang Album nila. Sa ngayon, di sila nagsasawa sa Opening Theme ng Power Rangers. Sabay sabay pa nila kakantahin ang linyang, "Go go Power Rangers!".

May bagong tinuro si Kuya kina Justin at Lance. Tinuruan sila magsabi ng "Rock On!" sabay gawa ng ganitong sign sa kamay:

\m/

Saturday, October 02, 2004

Oktoberfest Kick-off Party

Kung gagawa ng commercial ang San Miguel Beer at Oktoberfest ang tema, ito ang nasasaisip ko:

Ang tema dapat ay adventure. Tumatawid siya papuntang Metrowalk tapos nakikipag patintero sa mga sasakyan. Pagkatapos, biglang mapapabuntunghininga siya pagkarating sa Metrowalk. Sabay biglang seryoso ulit ang itsura habang naghahanap ng tickets. Pagkapasok sa venue ng Oktoberfest ay kuhang slow motion habang papalapit siya sa booth na merong beer. Tapos overhead shot ng cup na pinupuno ng draft beer pagkatapos ay iinumin niya na ito sabay buntung hininga ulit.

Hmmm... bigla ko lang napagtanto na mayroon tayong batas na nagbabawal sa mga minor de edad na uminom ng alkohol. Nagulat na lamang ako dahil may mga nakita ako doong mga mukhang sampung taong gulang. Nakakapagtaka lang na pinayagan silang makapasok. Minsan talaga, kapag negosyo na ang umiiral, pati mga batas nakakalimutan.

Siya nga pala, nong mga bandang 1:00 am ay kumuha ulit kami ng beer. Ngunit sa kasawiang palad, puro latak!!! At kapag sa pag-inom ng beer, ang Ginintuang Utos ay,

"Wag inumin ang latak!"

Dahil ang latak sa beer namin ay lampas pa sa kalahati ng baso, nagmistulan kaming naghihipan ng kandila na nakalagay sa isang birthday cake. Tsk!