Resident Evil 2: Apocalypse
Copyright by Sony Pictures
Nanood kami kagabi ng aking nakakatandang kapatid ng Resident Evil 2: Apocalypse. Noong una nga pinapili niya ako kung Bourne Supremacy o yung Resident Evil ang gusto kong panoorin. Dahil masmaaga ang showing ng Bourne Supremacy, pinili ko na lang yung Resident Evil para siguradong hindi ako mahuhuli sa pagdating ko sa Makati. Galing pa kasi ako non sa bahay.
Copyright by Resident Evil
Ang pelikulang napanood namin ay sequel ng naunang pelikula, Resident Evil: Genesis. Hindi ko napanood yung unang bahagi ng pelikula nito kung kaya't wala akong basihan para maikumpara ang dalawa. Pero yung kaibigan ko na napanood ang parehong pelikula ay sinasabing masmaganda ang part 1. Naisip nyo ba na kadalasan, masmaganda ang part 1 ng pelikula kaysa sa kasunod nito? Nagkaroon na ba ng panahon na masmaganda ang part 2 kaysa sa part 1? Hmmmm... Kung naaalala nyo, isang popular na sequel ang Shake, Rattle and Roll na isang tipikal na Filipino Horror Film. At isa pa itong si Chucky, na hindi ko rin maintindihan kung bakit bata pa rin siya hanggang ngayon. Sa bagay, isa kasi siyang manika. Hehehe.
Noong pinanood ko naman ang pelikula, nakita ko naman ang consistency nito sa game na Resident Evil. Kitang kita nga naman sa litrato na binabaril ng bida ang zombie.
Noong pinakita ang mga zombie, ang una ko agad na naisip ay ang pelikulang Dawn of the Dead. Ang kaibahan nga lang, masmabilis yung mga zombie sa Dawn of the Dead kaysa sa Resident Evil. Pero di ba mabagal talaga kumilos ang mga zombie? Hmmm... Nakainom kaya ng Extra Joss ang mga zombie sa Dawn of the Dead? Hehehe.
Nemesis and Hell Boy. Copyright by Hell Boy and Resident Evil.
Pagkatapos naman ay noong nakita ko namin si Nemesis. Ang una namin reaksyon ni Kuya ay,
"Hell Boy, ikaw ba yan?!?"
Paano ba naman di mo maikukumpara ang dalawa, eh pareho silang dambuhala. Yun nga lang, si Nemesis ay produkto ng Umbrella Corporation.
At syempre pa, sadyang katuwa-tuwa ang anti-virus na ginawa ng ama ng batang hinahanap nilang lahat na inangkin ng Umbrella Corporation. Biruin mo, pagkaturok ng anti-virus ay magkakaron ka ng marka na logo ng Umbrella Corporation. Hmmm... hindi naman sila mahilig niyan sa Stamp Pad? Hehehe!
Kung wala kayong atake sa puso, panoorin niyo itong Resident Evil. Madami kasing mga eksenang nakakagulat. Hehe!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home