Komedya

Friday, January 28, 2005

Bestfriend ni Princess Sarah



FLASH REPORT!!!

Mga kaibigan! Natagpuan na po ang nawawalang bestfriend ni Princess Sarah! Napag-alamang naglayas si Ermenguard dahil hindi na niya matiis si Lavinia, ang malditang gustong gusto nating kamuhian. Napag-alaman na nagpa-ampon siya sa isang Nurse na nagbalikbayan at dahil sa tulong ng nasabing Nurse ay nakapagtayo siya ng sarili niyang karenderya. Upang hindi siya agad mahanap, napagdesisyunan niyang gawing Emeng Guard ang pangalan ng karinderya imbis na Ermenguard. Ngunit diyan siya nagkakamali dahil hindi siya makakalusot sa mga undercover agents ng FBI!

Tuesday, January 25, 2005

The Battle of the Brainless!!!

Naaalala nyo pa ba yung Tropang Trumpo? Siyempre, sino ba naman ang hindi makakaalala sa mahiwagang Chicken! at sa Caronia! Hehehe!

Natanggap ko kasi ito sa aking e-mail. Share ko lang sa inyo!



Q: Ano ang national tree of the Philippines?
Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang "N" (Narra).
A: Niyog.
Q: Mas matigas pa diyan.
A: (In a strong-sounding voice) Niyog!

Q: Ano ang total ng 2 + 2?
A: Three!
Q: Hindi, mas mataas pa diyan.
A: (In a high-pitched voice) Three!

Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng nakabikini.
A: Ahhhh! beerhouse!

Q: What is the National Bird of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube

Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue: Starts with the letter "S" - Go!!! (correct answer: salbabida)
Ateneo: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
Host: Hindi! Hindi ito babae.
San Beda: Siyokoy.
host: Hinde!! Hinde ito Lalake!
La Salle: Siyoke.

Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
A: Octoarts Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix

Q: What is the national fish of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "b" (Bangus).
A: Botete.
Q: Hindi, may "s" sa dulo.
A: botetes.

Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.
A: Safe boy
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.

Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill?
Clue: Ang initials niya ay "N-A"(Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor? . . .

Q: Sino and nakapatay kay Magellan? Ang initial ay L-L
A: Lito Lapid
Q: Hindi, inuulit ang pangalan nito!
A: Lito-lito lapid-lapid
Q: Hindi, konti lang ang letra ng pangalan niya
A: Lot-lot
Q: Hindi, mas marami pa dito ang t*** niya
A: Lot-lot and friends

Q: Sino ang pambansang bayani ng pilipinas? Ang initial ay J-R (Jose Rizal)
A: Jeric Raval?
Q: Hindi, isa siyang doctor.
A: Doctor Jeric Raval?
Q: Hindi pa rin, may Junior siya sa dulo
A: Doctor Jeric Raval Jr.?

Q: Anong pangalan ng bagong grupong mangsasayaw. Ang initial ay UMD, at kumakanta pa sila. (Universal Motion Dancer)
A: United Merikan Diki-diki
Q: Hindi, maraming kababaihan at mga syoke na naghihimatayan
A: Ut and Mouth Disease

Q: Anong pambansang damit sa lalaki? Ang initial ay B (sagot=Barong)
A: Bahag
Q: Hindi, may malaki pa dito sa bahag
A: Baggie

Q: Anong pambansang hayop ng pilipinas?
Ang initial ay "K"(sagot=Kalabaw)
A: Kambing
Q: Hindi, itim ang kulay ng hayop na ito.
A: Kuto
Q: Hindi, itong hayop na ito ay nasa lupa
A: Kutong lupa

Q: What is the national food of the Philippines?
Start with letter "L" (sagot=Lechon)
A: Laing
Q: Hindi, baboy ang ginagamit sa pagluluto
A: Ginisang baboy sa laing

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank) "kapag may aklat, ______". Clue, start with the letter "S" go!
A: Sosyal. Kapag may aklat, Sosyal!
Q: Hinde, ang synonym nito ay hinahangaan ka ng mga tao o fans kagaya kay Nora Aunor
A: Superstar. Kapag may aklat, Superstar!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan nito sa ingles ay famous.
A: Sip-sip. Kapag may aklat, Sip-sip!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan rin nito sa ingles ay Sunrise.
A: Sunshine. Kapag may aklat, Sunshine!
Q: Hinde nga eh!, other word ng Sunshine sa pilipino.
A: ST. Kapag may aklat, ST!

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank) "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy ____". Clue, start with the letter "C" go!
A: Cuneta. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cuneta".
Q: Hinde, madalas ito ang dahilan sa ang mga bata ay nagkakasakit dahil sa kanyang mga balahibo.
A: Corikong. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Corikong".
Q: Hinde sabi, Madalas ay pagala-gala sa mga kalye at sa kalsada.
A: Cop. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cop".
Q: Hinde, ito'y madalas hinahabol ng aso.
A: Cartero. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cartero".

Q:Sino ang pinakasexing artista natin ngayon na may film na Darna? Clue: Ang initials niya ay A.A.
A: Si... Anthony Alonzo?
Q: Hindi... Babae siya.
A: Si... Alicia Alonzo?

Q: Ano ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan? B.S. ang initials
A: Bathing Suit?
Q: Hindi, tagalog ito.
A: Blusa at Sando?
Q: Mali. E, sa kalalakihan naman, ano ang tawag sa kasuotan. B rin ang simula.
A: Brief?
Q: Hindi, mas manipis pa ito...
A: Bikini brief?

Friendster Galore!!!

Mga kaibigan! Tignan po ninyo ang Friendster profile na ito. Ang pangalan ng account at Drool Over Us. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang dapat talagang pangalan ng account na iyon ay The Okrayables! Salamat sa napakaganda niyang ideya.

Monday, January 17, 2005

Mga bagay na gustong sabihin sa Boss pero hindi pwede

Natanggap ko ang e-mail na ito mula sa isa sa aking mga blockmates nong college. Makakarelate dito yung mga nagtatrabaho na. Hehe! Basahin niyo ito isa-isa at tignan kung meron kayong makikita dito na gustong gusto niyong sabihin sa inyong Boss ngunit di ninyo magawa dahil sadyan mahirap ang buhay ngayon para mawalan ng trabaho.


1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos niyo pa sa akin?

2. Hellooo! Gawin niyo na iyan no para naman huwag niyong makalimutan kung paano mag-isip.

3. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?

4. Puwede ba, busy ako? Mamaya na po yan.

5. Gumawa kayo ng sarili niyong presentation!

6. If challenges are more important than financial rewards, then why don't you just trade in your salary for my challenges? ('The best itong isang ito")

7. Pwede pong paki-decide kung alin sa 10 inutos niyo sakin ngayon ang talagang urgent?

8. Absent po ako today. Wala lang, ayaw ko po kayong makita eh...

9. Pwede bang mag-all expense paid na vacation? Sige na naman, pagod na pagod na po ako eh.

10. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.

11. Uwi na po ako ha. Bahala na kayo dito sa opis..

12. Sir, pwede po bang taasan ang sweldo ko? Ang hirap kasi ng trabaho ko eh, ang pakisamahan kayo!

13. Mag-reduce naman po kayo! Mukha na kayong balyena eh.

14. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero bakit pag kayo ok lang?

15. Akala niyo ba magaling kayo? Wala lang silang mapiling iba kaya kayo nilagay diyan sa pwestong yan!

16. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.

17. And it is with utmost sincerity that I wish you the best of luck spending the rest of your afterlife rotting in hell at Satan's side where you belong.

18. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!

19. Sagutin niyo naman yung telepono. A little exercise won't hurt.

20. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.

21. Shut up when I'm talking to you!

22. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano kayo, hilo!??

23. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo.

24. Sir aminin niyo na po, nagpapa-cute lang kayo sa client. Kunyari pa kayo na binebentahan niyo siya.

25. Ang ganda ng resulta ng pagkaka-plastic surgery niyo, banat na banat! Lalo tuloy kayo pinagtatawanan eh.

26. If you really think it's that important, di kayo gumawa.

27. Sir, palit tayong sweldo!

28. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo utos lang kayo ng utos samin. Ang laki pa ng sweldo!

29. Gusto niyo mag-trabaho naman for a change?

30. Do my work over the weekend?!?! At baket!? Sino kayo para utusan ako?

31. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!

32. Can't you see I'm goddamn busy?

33. If you need me, bukas na lang. May date po ako ngayon eh.

34. Asus!! Mage-edit lang hindi pa kaya! Kayo na lang ang mag-edit para hindi sayang sa oras.

35. Sir, tinatamad po akong pumasok ngayon e. Sa bahay na lang po ako mag-iinternet at mage-games, ala pang gastos.

36. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!

37. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po tingnan mabuti!

38. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.

39. Pwede bang sakin na lang position niyo?

40. Nagtataka talaga ako kung bakit napunta kayo sa puwestong yan.

41. Hay naku, sa dinami-dami naman ng pwedeng maging boss, bakit kayo pa ang napunta sakin!

42. Basahin niyo muna ang lahat ng email messages niyo bago niyo sabihin na hindi ko pa nagagawa yung pinagawa niyo.

43. Magre-resign na po ako. Hindi ko na po talaga kayo kayang tiisin eh.

44. Hindi po Inday ang pangalan ko, kaya wag po ninyo akong utusan.

45. Hindi po bottomless pit ang MS Outlook Inbox mo. Talagang titirik ang PC niyo kung hindi kayo magde-delete ng email!

46. Kabit nyo po ba yung prinomote mo?

47. Aah, sir, crush niyo ba ko? Yung seryoso? Lagi niyo na lang po kasi akong inuutusan eh.

48. Why do you keep on doing this to me?

49. Boss, VCD o, bold! (Greenhills Virramall style)

50. Daddy, Monday ngayon. Yung baon ko!?

51. Bukas ko na lang po gagawin yung pinagagawa niyo ha? Maglalaro pa ko ng Counter Strike eh.

52. Pwede ba tigilan niyo ko?

53. Kasama ba sa job description ko to?

54. If I do what you tell me to, will this change the world?

55. I'm not sure if it's your good looks, your family connection or your charming disposition kaya ka andyan sa puwesto mo. But I'm definitely sure it has nothing to do with your intellect.

56. Okay lang umabsent kayo. It does not really matter. Mas maaga pa kaming makakapag-lunch.

57. Ang OA niyo naman. Kino-complicate niyo pa ang mga simpleng problema para lang magmukha kayong may alam.

58. You're just insecure. Palibhasa, deep down you know you don't deserve to be the boss of someone whose brilliance you can only dream of!

59. Sir naman, hindi naman po lahat ng tao kasing bobo niyo.

60. Karapatan ko nang umuwi pagpatak ng 5pm, 8 hours lang ang binabayaran sa akin eh! Karapatan ko ring mag- absent! At karapatan kong ring masulit ang 1 hour lunch break ko!

61. Ma'am huwag na po kayong mag-english. Lalo lang pong nagiging obvious ang pagiging tanga niyo.

62. Sir ano ba!? Lagi na lang ba kayong magre- request ng blow job sakin!!?? (In a really loud voice)

63. Sa tono ng pananalita niyo parang naiintindihan ninyo ang pinag-uusapan namin ah.

64. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate no? Sigurado lagi kayong bagsak sakin.

65. Kung ano man po ang kasalanan ko ay kasalanan niyo rin. Boss ko kayo eh.

66. Maglinis naman po kayo ng table niyo.

67. Hoy! Ikaw, halika nga rito at tulungan mo ko!

68. Saang planeta po ba kayo nanggaling at hindi ninyo alam ito?

69. Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko to?

70. Inaantok ako. Tulog po muna ko ha?

71. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo- possess ba kayo ng masamang ispirito?

72. Sir, umabsent naman po kayo paminsan-minsan. Masaya po kasi ang buong office pag wala kayo eh.

73. Huwag nga kayong makialam samin!

74. Kelan kaya kayo mapapalitan bilang boss
namin?

75. Aha!!! Sir bakit kayo naglalaro ng games!?
bawal yan ah!

Sunday, January 16, 2005

Paano maglaro ng Tekken at gumawa ng kwento ng sabay

Dati kapag naglalaro ako ng computer game, at lalo na kung ito ay fighting game, wala akong ibang ginawa kundi murahin yung kalaban ko sa game habang pinapanood kong bugbugin niya ako ng kanyang mga combo moves na gusto ko rin gawin sa kanya. At siyempre kapag natatalo ko siya, parang bata naman akong nakapulot ng nahulog na barya.

At para maiba naman ang moda. Kelangang gawan ng istorya. Ginamit ko si Bryan (isa sa mga character na napalabas namin matapos maglaro ng ilang round ng Arcade mode) bilang isa sa mga karakter ng kwento na ginawa lang namin ng aking kaibigan nong naglalaro kami ng Tekken. Noong kalaban na ni Bryan si Julia, doon nagsimula ang kwentong aming katha...

Brian: Akin ka na wahahahah

Si Bryan ay susugod papunta kay Julia.

Julia: Hindi maaari

Si Julia bibigyan ng matinding leksiyon si Bryan. 4 hit combo. 50 percent damage.

Bryan: Yan ang mga tipo kong babae. Agresibo.

Lalapit ulit. Sisipa sa paa ni Julia. Tinamaan si Julia. Si Bryan.. nakascore!!! Lumapit ulit si Bryan. Binuhat ni Julia. Binalibag!!!

Julia: Yan ang bagay sayo. Isa kang manyak!!!

Bryan: Sige na Julia. Isang beses lang naman.

Julia: Mag-isa ka!

Binugbog muli si Bryan. *tunog ng bell* *tunog ng bell* *tunog ng bell*

K.O.

You Lose!

Continue.. 9.. [Press Start]

At pagkatapos ng mga ilang continue at natalo din si Julia...

Bryan: Sabi na nga ba at pakipot ka talaga. Kita mo. Bumigay ka rin.

Julia: *knocked out*

At ang sumunod na kalaban ay si Paul...

Paul: Walangya ka Bryan, akin si Julia!!!

Sinugod ni Paul si Bryan. Binigyan ng uppercut. At ilang sipa.

Bryan: Eh nauna ako eh. Eh di sorry ka!

Sinipa ni Bryan si Paul ngunit na-counter ito ni Paul at binalibag.

Paul: Yan ang bagay sayo. Hangga't di mo ako matatalo, hindi ka muli makakalapit kay Julia.

Brian: Mananalo ako!!!

Paul: Bubugbugin talaga kita!!!

At pagkatapos ng ilang continue na nabugbog talaga si Bryan ay nanalo din siya.

Brian: Paul, alam ko namang type mo ako at gusto mo lang ako makasama ng masmatagal noh. Hah. Hindi mo gusto si Julia. Nagseselos ka kay Julia.

Paul: *knocked out*

The End!

Wednesday, January 12, 2005

Tayo... Tayo... Lagi na lang Tayo

Kaninang umaga lamang ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa aking ama. Kung alam nyo ang commercial na yung may "Ako, Ako, lagi na lang ako..", iyan ang una nyong maaalala kapag nabasa niyo ito.


Ako
by the Anakpawis Partylist
(with apologies to the kid in the TV ad)

Generation charge...ako
Transmission charge...ako
Systems loss charge...ako
Ninakaw na kuryente...ako
Ginamit ng Meralco na kuryente...ako
Di nasingil na kuryente dahil sira pala ang metro...ako
Distribution charge...ako
Supply charge...ako
Retail customer charge...ako
Metering charge...ako
Discount para sa mga lifeliners...ako
Discount ko...aalisan na ako

CERA sa fluctuations ng dolyar...ako
National franchise tax...ako
Local franchise tax...ako
Noon nga pati income tax...ako
Buti na lang nagreklamo at nanalo ako

Pakuryente sa mga liblib na pook (missiorary charge)...ako
For Mother Earth daw (Environmental fund)...ako
GRAM na pagbabago sa paglikha ng kuryente...ako

12% Return on Rate Base o Kita ng Meralco....ako
8% Return on Rate Base o Kita ng NPC...ako
P24 Bilyon kita ng Mirant noong 1992...ako
P4.6 Bilyon kita ng Lopez' First Gas Power noong 1992...ako
Ilang Bilyong kita ng iba pang IPPs at power utilities...ako
Milyon-milyong suweldo ng mga executives ng mga ito...ako

at sa mga susunod na buwan at taon:

TRAM na pagbabago sa pagdeliver ng kuryente...ako parin (kahit na alam kong
tinaTRAMtado na nila ako)
Stranded debts (P570 bilyon) o di nabayarang utang ng NPC...ako pa rin
Stranded contract costs ng NPC...ako pa rin
Equalization taxes and royalties...ako pa rin

Lagi na lang ako.
I-takeover ko na lang kaya ang Meralco, NPC at IPPs?
Tapos ang may-ari....si Juan/Juana de la Cruz, ako!


At siyempre pa, inaantay na lang natin ang pagtaas ng presyo ng mga inuming nakakalasing at ang sigarilyo. Nakakainis di ba? Wala silang ginawa kung hindi maglagay ng buwis. Hindi naman iyon solusyon kasi ang kelangan ng ating bansa...

TRABAHO, TRABAHO at TRABAHO!!!

EDUKASYON EDUKASYON at EDUKASYON!!!

Iyan dapat ang pinagtutuunan nila ng pansin. Kasi yan ang makakatulong sa ekonomiya ng ating bansa.

GISEHNNNNG PILIPINAS!!!

Friday, January 07, 2005

Wag kakalimutan ang Sunscreen



Warning: Sa lahat ng mga baboy na nasa beach, huwag kakalimutang maglagay ng sunscreen. Sa init ba naman ng araw lalo na pag tag-init ay mapiprito ka talaga. Kung ayaw mong maging bacon katulad ng nasa litrato sa itaas, huwag na huwag kakalimutan. Iisa lamang po ang Sunscreen para sa inyo. At ito po ay ang Coppigtone!!! Tandaan!!! Coppigtone lamang po at hindi ibang brand katulad ng Brand X, Brand Y at Brand Z. Dahil kapag ibang brand ang ginamit nyo ay tiyak na mangangayayat kayo dahil mababawasan ang inyong pinakaaalagaang taba bago kayo ay dalhin sa Mila's.

Tuesday, January 04, 2005

Blooper for the Year 2004

At ang panalong blooper of the year para sa taong 2004 ay:


Alam mo ba, imbis na Happy New Year ang natext ko, Happy Birthday yung nalagay ko.
--December 31, Kuya Jay (my big brother)


At siyempre humabol pa talaga ang aking kuya. Hehehehe! Nagtataka tuloy yung mga tinext nya kasi maski isa sa kanila ay walang may birthday ng December 31.

Sunday, January 02, 2005

Salawahan



Ang Dialogue:

Ronnie Rooster: Wala kang pakundangan. Ano na lang sasabihin ng mga amigo kong kalaro sa sabong?

Mrs. Rooster: Anong pinagsasabi mo diyan?

Ronnie Rooster: Nagkukunwari ka pa? Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Posible ba naman na ako ang maging ama niyan?

Mrs. Rooster: At bakit naman hindi aber?

Ronnie Rooster: Tignan mo, ang laki ng tenga... ang haba ng ilong... at isang daang rason pa na di ko na kelangan sabihin pa...

Mrs. Rooster: Ikaw ang ama niyan. Hindi ako salawahan!!!

Ronnie Rooster: Patunayan mo nga...

Mrs. Rooster: Dahil sa tuwing nagsasabong kayo ng iyong mga amigo, kasama ako. Kahit kailan naman hindi naman tayo naghihiwalay. Sa tingin mo ba yung mga 5 minutong malingat ka ng tingin eh may kasiping na akong iba?

Ronnie Rooster: Aba.. malay ko ba kung quickie yun?

Mrs. Rooster: At isa pa.. kapag nasa bahay naman tayo eh ang ginagawa lang naman natin ay panoorin ang ating paboritong pelikula... yung Dumbo...

Ronnie Rooster: Aysows... sa dinami-dami naman ng paglilihian mo si Dumbo pa. Eh kaya naman pala ganyan itsura ng anak natin eh.

Mrs. Rooster: Eh ikaw naman kasi. Hindi ka nakikinig sa akin. Sasabihin mo, sawang sawa ka na makakita ng mga kauri natin pag nasa bahay tayo. Tapos ngayong hindi mga kauri natin yung pinapanood natin, magrereklamo ka naman dahil sa nangyari. At pinagbintangan mo pa akong salawahan. Eh kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga, sa tingin mo ba kaya kong makipagsiping sa elepante?

Ronnie Rooster: Ikaw naman.. wag ka na magtampo... Eh kasi ba naman, kahit yung mga feather ko man lang ay hindi nakuha eh. Sino ba namang magulang ang hindi mayayamot?

Mrs. Rooster: Puro ka naman diyan reklamo. Palitan mo na yung DVD collection natin. Hmph! Huwag kang uuwi dito sa bahay ng hindi mo pinapalitan yan.

The End!