Komedya

Wednesday, December 29, 2004

Pabaligtad na pagtanda

Nakakatawang isipin noh? Kasi nong nabasa ko sa blog ni Gorgeous yung isa niyang entry eh naalala ko ang aking kabataan... (naks.. kala mo 40 years old na kung magsalita eh... hahaha). Siyempre nong bata tayo parati tayong pinapatulog tuwing tanghali para mabilis daw tayo lumaki. Tapos gustong-gusto pa natin na nagpupuyat non kasi manonood pa tayo noon ng mga palabas sa telebisyon o kaya naman dahil hindi pa pagod sa kakalaro. Pero ngayon, kapag hindi dapat matulog, gustung-gusto naman nating matulog. Halimbawa:


Pagkakain ng tanghalian.

Thesis Meeting.

Antok na antok.

Matutulog.

Gigisingin ng thesis mate.

Makakaidlip ulit.

Gigisingin ulit.


Ito pa isang magandang halimbawa:


Kakakain ng tanghalian.

Lecture sa klase ng 1pm.

Makakatulog sa gitna ng lecture.

Pagtitripan ng mga kaklase.

Papatayin ang ilaw.

Iiwanan sa classroom.

Bubuksan ulit ilaw dahil kukuhanan ng litrato.

Ipopost sa yahoogroups ng block.


Iyan lang naman ang ilan sa mga sitwasyon na hindi tayo dapat natutulog. Hmmm... ito ba'y isang paghihiganti sa mga batang makukulit non?

2 Comments:

  • honga! bakit ba ang sarap matulog? naalala ko kanina pati sa bus nakatulog ako!

    By Blogger Gorgeous, at 7:27 PM  

  • kasi siguro noong bata pa tayo hindi natin nararamdaman ang stress.. hehe..

    ang pagtulog lang naman yung pagflush ng stress sa katawan natin eh.. =)

    By Blogger karlaredor, at 3:29 AM  

Post a Comment

<< Home