Komedya

Friday, December 17, 2004

Ang Pinakaaabangan...

Hola amigos and amigas. Muchos gracias sa inyong pagbisita dito. At ang tagal tagal ko nang di nakakapagpost dito. Harharhar!

Tama! Harharhar ang ating laugh for the day! Wala lang. Trip ko lang. Ganyan kasi yung tawa ng isa kong kaibigan na di mo maintindihan kung talagang natatawa o sarcastic lang ang kanyang tawa na ang ibig sabihin nya ay


Hindi nakakatawa. *yawn*


Sa wakas, natapos ko na panoorin ang Season 1 ng Friends!!! Hehehehe!!! At siyempre, tawa to the max ako lalo na sa mga linyang isinasambit ni Chandler. Ang kulit kasi ng mga hirit nya. Parating nasa timing. At kapag si Rachelle naman ang humihirit, parating bad timing naman kung kaya't minsan ay biglang sumasama ang tingin nila sa kanya.

Ngayon, ang misyon ko bago dumating ang January 15 ay makumpleto ang natitira pang 14 stubs para sa Starbucks na planner!!! Tama!!! At paano ko nga ba gagawin yun? Kasi, hindi ako umiinom ng PEPPERMINT MOCHA!!! Tunog pa lang... eeewwww... parang ang kadiri na. At bago mag-react ang mga mahilig dito sa Peppermint Mocha, ang sa akin ay personal na opinyon lamang ito. Kagaya nga ng kwento sa akin ng kaibigan, sabi niya ay ang Peppermint Mocha ay parang kape na nilagyan ng toothpaste. Sa madaling salita, para kang nagtutoothbrush habang umiinom ng kape. Hindi ba't napakasamang kombinasyon?!?

Kung gagawa ako ng tagline para sa Peppermint Mocha,


Enjoying the best of both worlds... freshening your breath and drinking your coffee...


o kaya naman...


Together, let's save the world from gingivitis!!!


Oh di ba astig? Hehehe!

7 Comments:

  • MAganda nga ang dating nung commercial mo, a. Medyo clinical nga lang yung huli pero, okay pa rin. hehe
    Peppermint mocha... hmmm, double hot yun siguro no?

    By Blogger rolly, at 5:51 AM  

  • yeah tito rolly
    hehehe
    medyo clinical nga ang dating ng huli.. =)

    By Blogger karlaredor, at 11:47 AM  

  • oo. di ko talaga gusto yun. tatay ko lang naman may gusto non tsaka yung iba kong friends. hehe.

    down siguro yung server ng host kaya ganun yaps

    =)

    By Blogger karlaredor, at 2:47 AM  

  • I also HATE Peppermint Mocha! Toffeenut Latte also gives me the creeps. Maybe because I am not into coffee-y drinks. And my friends also hate Peppermint Mocha. My problem now is how can we fill up the starbucks card. Im so dying to have the planner! Huhuhu! If only "neutral" flavored frappes are pwede! :))

    Jel Chu <3

    livejournal.com/users/xiao_tian_jelly

    By Anonymous Anonymous, at 7:28 AM  

  • Hi Jel..
    just got my planner.. weeee
    salamat sa tulong ng aking mga kaibigan
    they saved me from peppermint fever. haha

    By Blogger karlaredor, at 10:36 PM  

  • Oo nga, bakit nga ba naisipan ng Starbucks ang ganung klaseng inumin. Nung una kong natikman yun, excited ako kasi nga parang ang sarap ng combo: peppermint at mocha. Pero nung natikman ko, nanghinayang ako!

    By Blogger Mike, at 1:22 PM  

  • kaya buti na lang may mga sponsors ako sa peppermint.

    hehehe =)

    By Blogger karlaredor, at 1:33 PM  

Post a Comment

<< Home