Komedya

Monday, November 01, 2004

Walang patawad!

Kung akala nyo ay cellphone lang at wallet ang ninanakaw, diyan kayo nagkakamali. Kung nagpunta kayo sa sementeryo nitong Undas, makikita nyo na yung ibang lapida ay may mga gintong lettering. Hindi naman talaga siya ginto, basta makintab siya. Hehe. Naalala ko kasi dati noong iniwan namin iyon doon, eh ninakaw ba naman. Kaya ngayon, ang ginagawa namin, nagkakaroon lang ng mga ginintuang lettering tuwing Undas.

Ang iniisip ko naman, bakit pa naman iyon ay hindi na pinatawad ng mga magnanakaw na iyan. Paano nila pagkakakitaan iyan? Hmmmm... isasangla kaya nila sa pawnshop? O kaya naman siguro, ay tutunawin nila (mga gumagawa ng ginintuang lettering) para makatipid sila sa gastusin.

Minsan, naiisip ko na lang na i-mighty bond na lang ang mga ginintuang lettering. Siyempre ayaw naman nila siguro gumawa ng matinding ingay para lang makuha ang mga iyon kung sakali.

Bago ko pala makalimutan, yung isang grill sa aming pantheon ay hindi namin malaman kung nilagari o naputol na lang bigla dahil hindi maganda ang pagkakawelding doon. Hmmm... pero kung nilagari nga siya ng magnanakaw... isa lang masasabi ko sa kanya...

"Walang patawad!"

Headline news ay: Buhay, ninakawan ang patay!

2 Comments:

  • sowzy ka, karla, at may grill at golden letters ka pa. parang mausoleum ba yan? hehehe

    kami, di kami sa "undas" (yan pala tawag) pumupuntang semeteryo. pag walang traffic, don kami pumupunta. :)

    By Blogger Svelte Rogue, at 9:45 PM  

  • pantheon yung tawag doon ni lola tsaka ni daddy.. hehe.. pero di naman siya magarang mausoleum katulad ng kay gil puyat.. hehehe..
    practicality tawag diyan.. mahilig sumabay ang tatay ko sa traffic eh. lolz.. haba tuloy ng biyahe namin pauwi..

    By Blogger karlaredor, at 1:07 AM  

Post a Comment

<< Home