Komedya

Thursday, November 04, 2004

Paano Iwasan ang Boss

Kanina ay nagcheck ako ng aking e-mail. Nakatanggap ako ng e-mail sa aking kaklase sa La Salle. Ang subject heading niya ay:


How to avoid your boss


Napag-isipan kong buksan ang e-mail dahil bihira nga naman siya magpadala. At kung nagpapadala siya ng e-mail ay dahil sa iyon ay maganda o kaya naman ay nakakatawa talaga. Video yung attachment nang aking tignan. Agad ko itong dinownload para matignan kung ano ang ispesiyal sa video na iyon. Ang video ay isang patalastas ng Federal Express at maaari itong makita sa website na ito.

Nagkuha ako ng ilang screenshots na nakakatawa.


Disguise Number 1

Kapansin-pansin sa litrato na ito na ang kanyang damit ay kakulay ng kanilang file cabinet. At siyempre pa, may effect pa siyang parang may handle katulad ng sa file cabinet na kanyang katabi. At para di makita ang kanyang ulo... ayan... tumingin lang kayo sa litrato na nasa ibabaw. Hehehe!!!


Disguise Number 2

Dahil nandoon naman siya sa loob ng cubicle at ang suot nya ay kasing kulay ng kanyang cubicle, ganyan na lamang ang kanyang ginawa. Hehe!!!


Disguise Number 3

Talaga nga naman isang empleyado na ito. Swak na swak ang pagsuot nya ng kanyang blusang kulay luntian. At siyempre pa, pati yung pwesto nya ay swak na swak. Paano, nasa may likod ba naman siya ng lalagyan ng halaman eh tapos puti pa ang kanyang palda na kung saan ay ang wall ay puti din.


Disguise Number 4 and 5

Makikita nyo sa litratong ito na dalawang empleyado ang nagtatago. Yung isa ba naman ay pumwesto sa painting na may mga ulo ng tao. Tamang tama lang dahil ang wardrobe nya ay puti. Hehe! At yung isa naman, naka puting palda naman. Kita mo nga naman na ang blusang suot niya ay nagmamatch sa katabi niyang gamit. At siyempre pa, di mawawala ang pagtakip nya sa kanyang ulo. Pero bilib din ako doon sa lalakeng yun ah, isipin mo, tatayo lang siya doon, napakasimpleng pang-disguise ang kanyang outfit.


Disguise Number 6 and 7

Aba, kakaiba din itong isa. Nakasuot siya ng coat na kasing kulay ng mga karton at siyempre, kahit pumwesto lang siya ng ganun ay ayus lang kasi blonde naman siya. Hehehe!!! At siyempre, panalo rin ang puwesto ng isang empleyado. Biruin mo, all-blue ang suot niya. Ang ginawa na lang niya ay nag-disguise na basurahan.

Kita mo nga naman, sila ang tinatawag na Masters of Disguise. Hehehe!!! Lahat talaga ay gagawin nila para di sila mamata ng kanilang masungit na boss.

6 Comments:

  • Dapat hindi makita ito ng boss kundi buking sya.... =)

    By Blogger Dr. Emer, at 3:45 PM  

  • mismo doc emer.. :) hehe
    galing nga non eh.. galing ng creative director ng ad na yun.. hehe.. :)

    By Blogger karlaredor, at 1:52 AM  

  • wala na... gagayahin na 'to ng mga pinoy na mahilig mag-petix.....

    By Blogger Jdavies, at 4:42 PM  

  • mismo jdavies.. hehe.. well.. what can we do.. ganito talaga sa ating bansa.. hehe.. =)

    By Blogger karlaredor, at 4:46 PM  

  • ok 'to, a! type ko yung sa painting, yung nakahiga sa desk (disguise na, tulog pa), at yung basurahan. hmmm... gives me ideas!

    By Blogger Svelte Rogue, at 10:50 PM  

  • hahaha.. ayus noh? :p

    By Blogger karlaredor, at 3:47 AM  

Post a Comment

<< Home