Komedya

Thursday, December 30, 2004

Pinakakontrobersiyal Na Debate ng Taon



Mga kaibigan, ang pinakakontrobersiyal na debate ng taon ay kung sino ang may pinakamalalang trabaho sa kanila. Ngunit bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang dalawang nagdebate.

Kalahok #1: Tootsie the Toothbrush

Job Description:

  • Magtanggal ng plaque sa ngipin ng may-ari ng toothbrush.

  • Magtiis sa halo-halong amoy ng pagkain sa bibig ng may-ari ng toothbrush.

  • Maligo sa pinaghalong laway, tubig at toothpaste.

  • Harapin ang mga nakakatakot na tartar at bulok na ipin ng buong tapang.

  • Pagkatapos lapastanganin ang puri nito ay gagawing panglinis ng banyo at kung anu-ano pa.



Kalahok #2: Totie the Toilet Paper

Job Description:

  • Imudmod ang mukha sa puwet ng kung sino man na gumagamit.

  • Taga-punas ng jebs (maskilala sa pangalang tae).

  • Matapon sa basurahan kasama ang sanitary napkins, lalagyan ng toothpaste na walang laman at iba pang toilet paper na gamit na.

  • Tagasipsip ng sipon.

  • Tagapunas din ng luha na may kasamang mga muta.

  • Ginagamit din minsan na pambalot sa sanitary napkin.



Ang Debate

Tootsie: Ako ang may pinakapanget na trabaho. Tatlo hanggang limang beses ba naman sa isang araw ay kailangan mong harapin ang mga nakakatakot na tartar at pati na mga bulok na ipin. Masnakakatakot pa sa The Night of the Living Dead.

Totie: Hindi Tootsie! Nagkakamali ka diyan. Wala pang maslala sa pagkakamudmod sakin sa puwet ng kung sinu-sinong tao. Sa araw araw na lang, ganun ang ginagawa ko. Minsan pa ibabalot pa ako sa gamit na sanitary napkin.

Tootsie: Hindi.. ako pa rin. Kelangan mo ba naman magswimming sa pinaghalong laway, tubig at toothpaste. Yikes!!! Nakakapaso pa naman yung toothpaste. Tapos minsan may mga germs pa na kelangan harapin dahil hindi pa malinis yung tubig.

Totie: Ginagalit mo ako Tootsie!!! Walang tatalo sa akin!!! Dahil lahat ng klase ng dumi at sakit ay puwede kong masagap. Isipin mo, ipupunas ako sa mga matang may sore eyes, tapos sisipunan ako ng isang taong may malalang sakit sa baga. Sige nga.

Ang Hatol
Kayo na po ang humatol kung sino ang may pinakapanget na trabaho. Kung si Tootsie the Toothbrush o si Totie the Toilet Paper.

Wednesday, December 29, 2004

Nababasa mo?

Pagbukas ko ng YM ko kanina.. ito ang bumulaga sa akin... Isang offline message mula kay IceZorg.


cdnuolt blveiee taht I cluod aulaclty uesdnatnrd waht I was rdanieg. The phaonmneal pweor of the hmuan mnid. Aoccdrnig to a rscheearch at Cmabrigde Uinervtisy, it deosn't mttaer in waht oredr the ltteers in a wrod are, the olny iprmoatnt tihng is taht the frist and lsat ltteer be in the rghit pclae. The rset can be a taotl mses and you can sitll raed it wouthit a porbelm. Tihs is bcuseae the huamn mnid deos not raed ervey lteter by istlef, but the wrod as a wlohe. Amzanig huh? yaeh and I awlyas thought slpeling was ipmorantt! tahts so cool!!! If you can udernatnsd tihs rdanieg, rpeost it!!! NOW!


Eh paano kaya kung dyslexic yung nagbasa nito? Ganito kaya ang magiging pagkakaintindi nila?


couldn't believe that I could actually understand what I was reading. The phenomenal power of the human mind. According to a research at Cambrigde University, it doesn't matter in what order the letters in a word are, the only important thing is that the first and last letter be in the right place. The rest can be a total mess and you can still raed it without a problem. This is because the human mind does not read every letter by itself, but the word as a whole. Amazing huh? yeah and I always thought spelling was important! thats so cool!!! If you can understand this reading, repost it!!! NOW!


Hmmmm... palagay nyo?

Pabaligtad na pagtanda

Nakakatawang isipin noh? Kasi nong nabasa ko sa blog ni Gorgeous yung isa niyang entry eh naalala ko ang aking kabataan... (naks.. kala mo 40 years old na kung magsalita eh... hahaha). Siyempre nong bata tayo parati tayong pinapatulog tuwing tanghali para mabilis daw tayo lumaki. Tapos gustong-gusto pa natin na nagpupuyat non kasi manonood pa tayo noon ng mga palabas sa telebisyon o kaya naman dahil hindi pa pagod sa kakalaro. Pero ngayon, kapag hindi dapat matulog, gustung-gusto naman nating matulog. Halimbawa:


Pagkakain ng tanghalian.

Thesis Meeting.

Antok na antok.

Matutulog.

Gigisingin ng thesis mate.

Makakaidlip ulit.

Gigisingin ulit.


Ito pa isang magandang halimbawa:


Kakakain ng tanghalian.

Lecture sa klase ng 1pm.

Makakatulog sa gitna ng lecture.

Pagtitripan ng mga kaklase.

Papatayin ang ilaw.

Iiwanan sa classroom.

Bubuksan ulit ilaw dahil kukuhanan ng litrato.

Ipopost sa yahoogroups ng block.


Iyan lang naman ang ilan sa mga sitwasyon na hindi tayo dapat natutulog. Hmmm... ito ba'y isang paghihiganti sa mga batang makukulit non?

Monday, December 27, 2004

Filipino Excuses

Naghalungkat lang ako ng mga e-mail na hindi ko pa nababasa. Ito ang aking natagpuan:


Filipino Excuses:

1. My son is under a doctor's care and should not take P.E. today. Please execute him. (teka.. teka.. Bawal minors sa death chamber ah.. hehehe)

2. Please excuse Lisa for being absent. She was sick and I had her shot. (Huwat??? Na-firing squad si Lisa???)

3. Dear School: Please ekscuse John being absent on Jan. 28,29,30, 31, 32 and also 33. (hmmm... balita ko 31 ang maximum days ng kalendaryo...)

4. Please excuse Gloria from the Jim today. She is administrating. (Ikaw ba yan GMA? Sabi na nga ba't grade school ka pa lang eh.)

5. Please excuse Roland from P.E. for a few days. Yesterday he fell out of a tree and misplaced his hip. (teka.. ang alam ko walang manananggal na babae)

6. John has been absent because he had two teeth taken out of his face. (ano? tinutubuan na ng ipin ang mukha?)

7. Megan could not come to school today because she has been bothered by very close veins, (uuuyyy.. close kayo ng veins mo ah.. marami na yata pang-blackmail sayo.. hehehe)

8. Chis will not be in school cus he has an acre in his side. (eh pasan naman pala ang buong lupain nila..)

9. Please excuse Ray Friday from school. He has very loose vowels. (cool... paano yun? ahhh.. ehhhh.. ihhhh.. ohhhh.. uhhhh..)

10. Please excuse Pedro from being absent yesterday. He had diahre, dyrea, direathe, the shits. (wag mo na pahirapan ang sarili mo.. LBM lang yan..)

11. George was absent yesterday because he missed his bust. (ano? sumusuot siya ng fake bumpers at naiwan nya?)

12. I kept Billie home because she had to go Christmas shopping because I don't know what size she wear.

13. Sally won 't be in school a week from Friday. We have to attend her funeral. (Ano ito? Back from the dead?)

14. Please excuse Jason for being absent yesterday. He had a cold and could not breed well. (Aso po ba si Jason?)

15. Gloria was absent yesterday as she was having a gangover. (Ano? Pati babae nabugbog ng mga gangster?)

16. Maryann was absent December 11-16, because she had a vever, sore throat, headache and upset stomach. Her sister was also sick, fever and sore throat, her brother had a low grade fever and ached all over. I wasn't the best either, sore throat and fever. There must be something going around, her father even got hot last night. (Teka teka.. si Maryann lang ang involved dito.. hindi ito family telenovela)

17. Please excuse Jennifer for missing school yesterday. We forgot to get the Sunday paper off the porch, and when we found it Monday, we thought it was Sunday. (Napakagandang excuse nito!)



Ang mga nakalagay po sa loob ng parentheses ay aking mga komento sa nasabing excuse. Hehehe!

Sunday, December 26, 2004

The Ultimate Laguna Misadventures

Gabi kami bumyahe umuwi papuntang Siniloan, Laguna. Iyan ang probinsiya ng aming mga ninuno. Naks, parang nasa History class. Hehe. Gabi kami pumunta doon. Ang layo na ng naabot namin, nang kami ay huminto sa tapat ng isang funeral park.. ehem ehem.. *creepy mode on*... bigla kaming nag-U turn, at bumalik sa aming pinanggalingan. Nang makita namin ang isang landmark na nagsasabing,


Hello world! Nasa Antipolo kayo


Nabigla kami, kasi ang layo na pala noon. At ayun, bumalik nga kami ulit. Siyempre nong bumalik kami ulit sa tamang daan, ayan... sisihan na ito. At ang nasisi ay yung bestfriend ng aking Kuya. Sabi nya,


Ako... ako... lagi na lang ako...


Ooops... Bubble Gang ba ito? Hehe!

Tapos sa kalagitnaan ng aming biyahe, may kakaiba kaming nakita na masasabi mong Onli in da Pilipins.


Traysikel na humihila sa tamaraw


Aba aba. Parang kotseng humihila ng truck o kaya naman parang daga na humihila sa kalesa. Hehehe! At siyempre, ang bagal bagal ng kanilang takbo. Baka Bagong taon na kami dumating doon sa aming bahay sa probinsiya.

Noong pauwi naman kami ay hindi kami naligaw. Pero huminto kami sa may 7-11 sa may Antipolo dahil nagugutom na nga kami. Meron kasi doong Wendy's. Noong paalis na kami, parang nakakita ng artista yung Kuya ko tsaka yung bestfriend nya. Ayun. May nakita ngang artista. Lumabas kasi si Francis Magalona at ang anak nyang si Maxine galing sa 7-11. Nakakatawa pa nga kasi parang sa mga tingin nila ay gusto nilang sundan. Haha!

Friday, December 17, 2004

Ang Pinakaaabangan...

Hola amigos and amigas. Muchos gracias sa inyong pagbisita dito. At ang tagal tagal ko nang di nakakapagpost dito. Harharhar!

Tama! Harharhar ang ating laugh for the day! Wala lang. Trip ko lang. Ganyan kasi yung tawa ng isa kong kaibigan na di mo maintindihan kung talagang natatawa o sarcastic lang ang kanyang tawa na ang ibig sabihin nya ay


Hindi nakakatawa. *yawn*


Sa wakas, natapos ko na panoorin ang Season 1 ng Friends!!! Hehehehe!!! At siyempre, tawa to the max ako lalo na sa mga linyang isinasambit ni Chandler. Ang kulit kasi ng mga hirit nya. Parating nasa timing. At kapag si Rachelle naman ang humihirit, parating bad timing naman kung kaya't minsan ay biglang sumasama ang tingin nila sa kanya.

Ngayon, ang misyon ko bago dumating ang January 15 ay makumpleto ang natitira pang 14 stubs para sa Starbucks na planner!!! Tama!!! At paano ko nga ba gagawin yun? Kasi, hindi ako umiinom ng PEPPERMINT MOCHA!!! Tunog pa lang... eeewwww... parang ang kadiri na. At bago mag-react ang mga mahilig dito sa Peppermint Mocha, ang sa akin ay personal na opinyon lamang ito. Kagaya nga ng kwento sa akin ng kaibigan, sabi niya ay ang Peppermint Mocha ay parang kape na nilagyan ng toothpaste. Sa madaling salita, para kang nagtutoothbrush habang umiinom ng kape. Hindi ba't napakasamang kombinasyon?!?

Kung gagawa ako ng tagline para sa Peppermint Mocha,


Enjoying the best of both worlds... freshening your breath and drinking your coffee...


o kaya naman...


Together, let's save the world from gingivitis!!!


Oh di ba astig? Hehehe!