Komedya

Wednesday, January 12, 2005

Tayo... Tayo... Lagi na lang Tayo

Kaninang umaga lamang ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa aking ama. Kung alam nyo ang commercial na yung may "Ako, Ako, lagi na lang ako..", iyan ang una nyong maaalala kapag nabasa niyo ito.


Ako
by the Anakpawis Partylist
(with apologies to the kid in the TV ad)

Generation charge...ako
Transmission charge...ako
Systems loss charge...ako
Ninakaw na kuryente...ako
Ginamit ng Meralco na kuryente...ako
Di nasingil na kuryente dahil sira pala ang metro...ako
Distribution charge...ako
Supply charge...ako
Retail customer charge...ako
Metering charge...ako
Discount para sa mga lifeliners...ako
Discount ko...aalisan na ako

CERA sa fluctuations ng dolyar...ako
National franchise tax...ako
Local franchise tax...ako
Noon nga pati income tax...ako
Buti na lang nagreklamo at nanalo ako

Pakuryente sa mga liblib na pook (missiorary charge)...ako
For Mother Earth daw (Environmental fund)...ako
GRAM na pagbabago sa paglikha ng kuryente...ako

12% Return on Rate Base o Kita ng Meralco....ako
8% Return on Rate Base o Kita ng NPC...ako
P24 Bilyon kita ng Mirant noong 1992...ako
P4.6 Bilyon kita ng Lopez' First Gas Power noong 1992...ako
Ilang Bilyong kita ng iba pang IPPs at power utilities...ako
Milyon-milyong suweldo ng mga executives ng mga ito...ako

at sa mga susunod na buwan at taon:

TRAM na pagbabago sa pagdeliver ng kuryente...ako parin (kahit na alam kong
tinaTRAMtado na nila ako)
Stranded debts (P570 bilyon) o di nabayarang utang ng NPC...ako pa rin
Stranded contract costs ng NPC...ako pa rin
Equalization taxes and royalties...ako pa rin

Lagi na lang ako.
I-takeover ko na lang kaya ang Meralco, NPC at IPPs?
Tapos ang may-ari....si Juan/Juana de la Cruz, ako!


At siyempre pa, inaantay na lang natin ang pagtaas ng presyo ng mga inuming nakakalasing at ang sigarilyo. Nakakainis di ba? Wala silang ginawa kung hindi maglagay ng buwis. Hindi naman iyon solusyon kasi ang kelangan ng ating bansa...

TRABAHO, TRABAHO at TRABAHO!!!

EDUKASYON EDUKASYON at EDUKASYON!!!

Iyan dapat ang pinagtutuunan nila ng pansin. Kasi yan ang makakatulong sa ekonomiya ng ating bansa.

GISEHNNNNG PILIPINAS!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home