Komedya

Sunday, January 02, 2005

Salawahan



Ang Dialogue:

Ronnie Rooster: Wala kang pakundangan. Ano na lang sasabihin ng mga amigo kong kalaro sa sabong?

Mrs. Rooster: Anong pinagsasabi mo diyan?

Ronnie Rooster: Nagkukunwari ka pa? Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Posible ba naman na ako ang maging ama niyan?

Mrs. Rooster: At bakit naman hindi aber?

Ronnie Rooster: Tignan mo, ang laki ng tenga... ang haba ng ilong... at isang daang rason pa na di ko na kelangan sabihin pa...

Mrs. Rooster: Ikaw ang ama niyan. Hindi ako salawahan!!!

Ronnie Rooster: Patunayan mo nga...

Mrs. Rooster: Dahil sa tuwing nagsasabong kayo ng iyong mga amigo, kasama ako. Kahit kailan naman hindi naman tayo naghihiwalay. Sa tingin mo ba yung mga 5 minutong malingat ka ng tingin eh may kasiping na akong iba?

Ronnie Rooster: Aba.. malay ko ba kung quickie yun?

Mrs. Rooster: At isa pa.. kapag nasa bahay naman tayo eh ang ginagawa lang naman natin ay panoorin ang ating paboritong pelikula... yung Dumbo...

Ronnie Rooster: Aysows... sa dinami-dami naman ng paglilihian mo si Dumbo pa. Eh kaya naman pala ganyan itsura ng anak natin eh.

Mrs. Rooster: Eh ikaw naman kasi. Hindi ka nakikinig sa akin. Sasabihin mo, sawang sawa ka na makakita ng mga kauri natin pag nasa bahay tayo. Tapos ngayong hindi mga kauri natin yung pinapanood natin, magrereklamo ka naman dahil sa nangyari. At pinagbintangan mo pa akong salawahan. Eh kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga, sa tingin mo ba kaya kong makipagsiping sa elepante?

Ronnie Rooster: Ikaw naman.. wag ka na magtampo... Eh kasi ba naman, kahit yung mga feather ko man lang ay hindi nakuha eh. Sino ba namang magulang ang hindi mayayamot?

Mrs. Rooster: Puro ka naman diyan reklamo. Palitan mo na yung DVD collection natin. Hmph! Huwag kang uuwi dito sa bahay ng hindi mo pinapalitan yan.

The End!

2 Comments:

Post a Comment

<< Home