Komedya

Tuesday, January 25, 2005

The Battle of the Brainless!!!

Naaalala nyo pa ba yung Tropang Trumpo? Siyempre, sino ba naman ang hindi makakaalala sa mahiwagang Chicken! at sa Caronia! Hehehe!

Natanggap ko kasi ito sa aking e-mail. Share ko lang sa inyo!



Q: Ano ang national tree of the Philippines?
Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang "N" (Narra).
A: Niyog.
Q: Mas matigas pa diyan.
A: (In a strong-sounding voice) Niyog!

Q: Ano ang total ng 2 + 2?
A: Three!
Q: Hindi, mas mataas pa diyan.
A: (In a high-pitched voice) Three!

Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng nakabikini.
A: Ahhhh! beerhouse!

Q: What is the National Bird of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "M"(Maya).
A: Manok!
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa diyan.
A: Maggi chicken cube

Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue: Starts with the letter "S" - Go!!! (correct answer: salbabida)
Ateneo: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
Host: Hindi! Hindi ito babae.
San Beda: Siyokoy.
host: Hinde!! Hinde ito Lalake!
La Salle: Siyoke.

Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
A: Octoarts Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix

Q: What is the national fish of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "b" (Bangus).
A: Botete.
Q: Hindi, may "s" sa dulo.
A: botetes.

Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta

Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.
A: Safe boy
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.

Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill?
Clue: Ang initials niya ay "N-A"(Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor? . . .

Q: Sino and nakapatay kay Magellan? Ang initial ay L-L
A: Lito Lapid
Q: Hindi, inuulit ang pangalan nito!
A: Lito-lito lapid-lapid
Q: Hindi, konti lang ang letra ng pangalan niya
A: Lot-lot
Q: Hindi, mas marami pa dito ang t*** niya
A: Lot-lot and friends

Q: Sino ang pambansang bayani ng pilipinas? Ang initial ay J-R (Jose Rizal)
A: Jeric Raval?
Q: Hindi, isa siyang doctor.
A: Doctor Jeric Raval?
Q: Hindi pa rin, may Junior siya sa dulo
A: Doctor Jeric Raval Jr.?

Q: Anong pangalan ng bagong grupong mangsasayaw. Ang initial ay UMD, at kumakanta pa sila. (Universal Motion Dancer)
A: United Merikan Diki-diki
Q: Hindi, maraming kababaihan at mga syoke na naghihimatayan
A: Ut and Mouth Disease

Q: Anong pambansang damit sa lalaki? Ang initial ay B (sagot=Barong)
A: Bahag
Q: Hindi, may malaki pa dito sa bahag
A: Baggie

Q: Anong pambansang hayop ng pilipinas?
Ang initial ay "K"(sagot=Kalabaw)
A: Kambing
Q: Hindi, itim ang kulay ng hayop na ito.
A: Kuto
Q: Hindi, itong hayop na ito ay nasa lupa
A: Kutong lupa

Q: What is the national food of the Philippines?
Start with letter "L" (sagot=Lechon)
A: Laing
Q: Hindi, baboy ang ginagamit sa pagluluto
A: Ginisang baboy sa laing

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank) "kapag may aklat, ______". Clue, start with the letter "S" go!
A: Sosyal. Kapag may aklat, Sosyal!
Q: Hinde, ang synonym nito ay hinahangaan ka ng mga tao o fans kagaya kay Nora Aunor
A: Superstar. Kapag may aklat, Superstar!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan nito sa ingles ay famous.
A: Sip-sip. Kapag may aklat, Sip-sip!
Q: Hinde, ang kaparehong kahulugan rin nito sa ingles ay Sunrise.
A: Sunshine. Kapag may aklat, Sunshine!
Q: Hinde nga eh!, other word ng Sunshine sa pilipino.
A: ST. Kapag may aklat, ST!

Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank) "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy ____". Clue, start with the letter "C" go!
A: Cuneta. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cuneta".
Q: Hinde, madalas ito ang dahilan sa ang mga bata ay nagkakasakit dahil sa kanyang mga balahibo.
A: Corikong. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Corikong".
Q: Hinde sabi, Madalas ay pagala-gala sa mga kalye at sa kalsada.
A: Cop. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cop".
Q: Hinde, ito'y madalas hinahabol ng aso.
A: Cartero. "You're nothing but a second rate. Trying hard, copy Cartero".

Q:Sino ang pinakasexing artista natin ngayon na may film na Darna? Clue: Ang initials niya ay A.A.
A: Si... Anthony Alonzo?
Q: Hindi... Babae siya.
A: Si... Alicia Alonzo?

Q: Ano ang pambansang kasuotan ng mga kababaihan? B.S. ang initials
A: Bathing Suit?
Q: Hindi, tagalog ito.
A: Blusa at Sando?
Q: Mali. E, sa kalalakihan naman, ano ang tawag sa kasuotan. B rin ang simula.
A: Brief?
Q: Hindi, mas manipis pa ito...
A: Bikini brief?

4 Comments:

  • hehehe
    pero pwede rin siyang simbolo ng kakulangan ng edukasyon sa pilipinas..

    By Blogger karlaredor, at 10:40 PM  

  • ei.. sana gurl dagdagan u pa ang questi0nnaires m0..

    ansaya kc e... har har...

    i missed tul0y tropang trump0...

    By Anonymous Anonymous, at 2:35 PM  

  • ................................haahahaha........corny?

    By Blogger Unknown, at 6:19 PM  

  • d' best ang mga jokes nyo... sobrang nakakatawa tlg...
    wla bang bago????????

    By Anonymous Anonymous, at 6:43 PM  

Post a Comment

<< Home