Komedya

Saturday, February 26, 2005

Ang Script ng "Ang Pasaway na Prinsesa at ang Suicidal na Bida"

Ito po ay ang Tagalized version ng script ng "Ang Pasaway na Prinsesa at ang Suicidal na Bida." Sayang lamang po at di ko pa magawaan ng paraan kung paano lalagyan ng subtitles iyan. Pero alam ko namang kaya iyan sa Macromedia Flash ngunit matrabaho lang talaga siya.

Ang Pasaway na Prinsesa at ang Suicidal na Bida

[lugar - ang unang nakikita nyo pag napindot nyo na yung play sa Super Mario Brothers na game, Anak ng Peras stage (Son of a Peach!!!)]

Mario: Hola mga tubero! Ito po ang Super Mario Brotha's Supah Show!

Nahulog na si King Coopah sa apoy at dali-daling tumakbo si Mario papunta sa kulungan kung saan naroon si Princess. Pagkatapos ay nangyari ang isang pangyayari na censored agad ng MTRCB. Ngunit kahit censored ito ay kitang kita pa rin sa mukha ni Mario ang kaligayahan dulot ng Swallow the Banana (ang terminolohiyang ito ay galing sa aking kaibigan at mahabang kwento ito kung paano napunta diyan) special move ni Princess.

At siyempre hindi pa nakuntento si Mario bigotilyong tubero! Alam nyo na ang susunod na nangyari dahil censored pa rin ito at syempre talagang dapat ginagawa in the presence of King Coopah!

Noong nasa kaharian na sila. Nagbigay ng Multiple Births si Princess. Ang unang lumabas ay kay Luigi.

Mario: Luigi! Bespren pa naman kita! Hayup ka halika dito!!!

Luigi: [karipas ng takbo]

At marami pang lumabas at ni isa doon ay hindi siya ang ama.

At dahil dito, ay lumabas siya at nagpatiwakal. Ibinigti nya ang kanyang sarili. Ngunit hindi nya dapat ibinigti ang kanyang sarili. Eh di sana ay nakatulong pa siya sa mga mamamayang Pilipino dahil maaari siyang makapagbigay ng seminar ukol sa Rhythm Method technique.

FIN

Saturday, February 19, 2005

Pasaway na Prinsesa at Suicidal na Bida

Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ganito ang title ng aking entry. Nong isang gabi kasi may natanggap akong email mula sa isa sa mga kaklase ko nong ako'y nasa kolehiyo pa. May binigay siyang link. At dahil nakita kong swf file sya (sa wikang maiintindihan nyo: ang swf ay yung mga bagay bagay na kung saan ay kelangan merong Flash na nakalagay sa browser (isa pang geekiness term na naman.. yung Internet Explorer at iba pa) nyo). Kaya mga kababayan, iniimbitahan ko kayong i-click ito.

Ayaw ko muna magbanggit ng spoiler dito. Masmaganda kung matignan nyo ang video. Pagkatapos ng mga ilang araw, gagawan ko siya ng angkop na script. Hehehe!

Saturday, February 12, 2005

Dahil namiss ko ang Eat Bulaga

Kanina sa isang game show sa Eat Bulaga kung saan ay si Julia Clarete ang sumagot.

Tanong: Ano ang ibig sabihin ng letter S sa NASA
Sagot: Scientist?!?


At yan ang nangyayari kapag sobrang tense ka.

Ang NASA ay National Aeronautics Space Administration at kung papalitan natin ang Space ng Scientist...


National Aeronautics Scientist Administration


Toink!!!

Eto pa isa...

Tanong: Saang lugar ito?
Clue: sentro ng kalakalan noong 16th century dito sa Pilipinas
Sagot: Palawan?

Isang toink na naman! Two toinks for you!!! Malamang ang pinakaayaw nyang subject ay geography at history!

Wednesday, February 09, 2005

Kung Hei Fat Choi

Sabi ni Tammy ay napagkakamalan siyang Chinese. Naalala ko na may mga ilang tao na napagkamalan din akong Chinese. Kahit eh apelyido ko ay hindi tunog Chinese at hindi pwedeng ma-classify na Chinese dahil sadyang maiikli ang apelyido nila (e.g. Lee, Sy, Chua, etc.). Katulad na lamang kanina, tinanong sa aking kung naghahanda din daw ba kami sa Chinese New Year. Hehehe!

Naalala ko rin noong isang beses noong kinuha ko yung videocam doon sa aking kaibigan. Pinaiwan niya kasi doon sa guard doon sa condo kung saan siya nakatira. Pagkatapos kong makuha ay tinawagan niya sa Intercom ang aking kaibigan. Ang sabi ba naman ng guard eh:


Maam nakuha na po yung videocam nong Intsik


Hehehe!

Kung Hei Fat Choi sa lahat!

Nawa'y mapuno ng tikoy ang inyong refrigerator! Hehehe!

Siya nga pala...

"Where's my tikoy kolokoy?"

Hehehehe!

Sunday, February 06, 2005

A V C D ???

May bago na naman akong natuklasan!

Ito ay dahil maspinili naming maglakad ng High School friend ko na si Cha mula doon sa bahay ng isa pa naming High School friend na si Chedar na nagdiwang ng kanyang kaarawan hanggang sa labasan. Hehehe!

Ang pagkakataon nga naman.

Biruin mo ba naman ay sa gitna ng aming paglalakad at pagkukwentuhan ay nakita ko sa isang poste na nakalagay:

APLHAVET
PET CLINIC

Hahaha!

Ayos din yung may-ari ng clinic na iyan. At ayos na ayos sa timing ang aking paglingon. Dahil kung hindi ko yun nakita, tsk, hindi kayo updated sa aking laff trip moments. Hahahaha!!!

At siyempre, ang mga ganoong klase ng pagkakataon ay hindi pinapalampas. Isa siyang tunay na stress reliever. Isipin mo naman. All-in-one exercise siya. Na-work out ang buo mong katawan sa paglalakad. At... tentenenen... na-work out pa ang mga muscles mo sa pisngi sa katatawa.