Komedya

Tuesday, September 28, 2004

Mga katatawanan sa Feng Shui

Hindi ko talaga maiwasang matawa noon kay Jay Manalo sa pelikulang Feng Shui na isang Blockbuster Hit dito sa Pilipinas. Paano ba naman kasi, natawa talaga ako doon sa isa sa mga linya niya

"Wag kang naib (naive) Joy!"

At siyempre pa, ang isa sa mga highlight doon na naghalo na rin yung mga emosyon ko. Eto ay yung eksena na kung saan ay nahulog si Lotlot de Leon sa mga bote ng Red Horse Beer. Si Lotlot de Leon ay Year of the Horse at namatay siya nang mahulog siya sa mga bote ng Red Horse Beer. Nakakatawa dahil masyadong literal. Talagang ginawa ang lahat ng paraan para maconnect ang kanyang pagkamatay sa kanyang Chinese Horoscope.

1 Comments:

  • lolz..
    kami rin ng mga kuya ko tawa ng tawa nang makita namin yung pinagbagsakan niyang mga bote! amp!

    By Blogger LEi, at 8:48 PM  

Post a Comment

<< Home