Komedya

Saturday, October 08, 2005

Banda rito Banda roon

Image hosted by Photobucket.com

Kanina nung nasa van kami papuntang Clark, Pampanga ay humirit ang aking kaibigan...

"Ladies and gentlemen... Ang Hit na hit na band... Anghit band"

"On drums and persecution"

Toink! Baka gusto masilya elektrika ng host. Ooopssss... old school na pala ito. Hahaha!!!

Thursday, March 31, 2005

Shadamdadashamdada

Tumpak! Itong post na ito ay sa pag-alala sa early Donna Cruz days. Bakit nga ba nanumbalik ito at hindi naman ako fan ni Donna Cruz? Isa kasi sa mga kaibigan ko ang nagsuot na naman ng Donna Cruz headband. At kapag nakasuot siya non, kumakanta siya ng...


Sha dam da da sham da da
Sha dam da da sham da da
Heto na naman naririnig..


Dahil nga hindi ako Donna Cruz fan ay hindi ko mapost ang buong lyrics kasi yan lang yung natatandaan ko at siyempre yung title ng kanta na nasa chorus na din. Haha!

At siyempre, with the matching dance moves pa yung isa.. hehehe!!!

Sunday, March 27, 2005

Answering Machine

Hindi po ito ang sequel sa pelikulang One Missed Call at lalong hindi po ito pelikula. Noong Miyerkules kasi noong nananghalian kami kina Mommy, napagtripan ni kuya ang answering machine. Nagrecord siya ng opening spill,


Hello, ohhhh, wala kami dito sa bahay eh. Iwan mo na lang yung pangalan mo, yung number mo at maikling message! At tatawagan ka namin! Sige Buh-Bye!!!


Hindi ko alam kung nagtime-travel ako sa aking Batibot days kung saan ay naririnig ko ang boses ni Pong Pagong o nagtime-travel naman ako kung saan na ang commercial na Chicken Fillet ay aking pinapanood. Hahaha!

Pero ano nga ba ang mga astig na opening spill sa isang answering machine? Ang mga sumusunod ay aking ideya,



  • Hello Mabuhay Redor's Residence! Press 1 if you want the message in English, Press 2 if you want the message in Filipino, Press 3 if you want the message in Taglish... JOKE JOKE JOKE.. Hindi pa po ganoon ka high tech ang aming answering machine... I wish.. Hahaha. Well, just leave your name, phone number and message after the beep and we'll get back to you. Thanks!



  • Hello... oh... Dude pare tsong wazaaaap?!? Sorry dude walang tao dito sa house ngayon eh. Gotcha! hahaha! Just make iwan your name, number and short message pagkatapos ng toot sound. Thanks!



  • Hello... sorry wala tao dito bahay. Iwan mo iyo pangalan, number, at ikli message pagkatapos beep. Salamat!



  • Hello... oh... kahit kelan wrong timing ka talaga. Biruin mo iiwanan mo na naman ang pangalan mo, number at ang maikli mong message pagkatapos ng beep. Tsk tsk. Sige, salamat!



  • Hello... oh... musta na? Long time no hear ah... NOT!!! Hahahaha!!! Naisahan na naman kita! Akala mo noh, answering maching ulit ito. Alam mo na naman siguro ang gagawin pagkatapos ng beep. Huwag mo lang gagawin ulit yung mag-iiwan ka ng isang kanta Hokie? Ciao!



Yan lang naman po ang mga naisip kong opening spiel. Hehehe!

Ayos ba?

Friday, March 18, 2005

Dahil gusto ko lang magpost

Wazap Ketchup?

Why not Chocnut?

Whatever MacGyver!?!

Rock On Morcon!

Sure Manure!

Take care Care Bear!

Let's Go Sago

By the way highway

Say cheese panis

Break a leg Winnipeg!

It's the same turon!

Aim High Butterfly

Tuesday, March 08, 2005

Haller Qatar

Kung akala nyo ay ngayon lang ito nauso...

*ubo* *ubo*

Nagkakamali kayo!!!

Dahil ang pasimuno nito ay isa sa aking mga ka-opisina. Basta nong high school pa lang siya ay sinasabi na nya yan. At maaari nyo itong makita sa kanilang annual. Hehe!

At dahil naka apat na sakay ang isa sa aking mga ka-opisina ay nakapagdala siya ng Libre sa opisina. Dali-dali kong hinanap ang Horoscope section. Ngunit bago ko makita ang Horoscope, nakita ko yung Jobs in Qatar. Sabi kasi ng isa, pupunta na lang daw siya ng Qatar. Hehe! Kaya pinaalala ko lang sa kanya.. na heto oh.. hehe.

Saturday, March 05, 2005

Million Dollar Baby

Million Dollar Baby -- isang pelikulang dalawang oras ang haba. Akalain mo bang tungkol ito sa boxing? Hehe!

Alam nyo ba, nong unang marinig ko ang title nito, ang nasa isip ko na pelikula ay parang ganito:

Tipong kasama ito sa serye ng Look Who's Talking (pelikula na kung saan ay ang mga sanggol ay may sariling wall kung sila ay nag-uusap--sa madaling salita, go baby talk!). Ngunit siyempre, mayaman na mayaman ang baby ito... isipin mo na lang si Richie Rich na kakapanganak pa lang. Yung tipong andiyan si Barney na sumalubong sa kanya sa mundong ibabaw. Isama mo na rin sina B1 at B2 pati na si Pong Pagong at Kiko Matsing.

At dahil Million Dollar Baby siya, naging paboritong target siya ng mga kidnapper na hindi nila makidnap kidnap gawa ng kanilang mga kamalasan. Kumbaga, gagawin palang nila, kinakarma na sila. Haha! Tapos sa bandang huli makikidnap pero siyempre maililigtas sa tulong ng kanyang malakas na hagulgol nya na nagpagising sa ibang mga sanggol din. At dahil doon, ay gumawa ng paraan ang ibang mga sanggol upang makatakas ito at mahuli ang mga kidnapper ng mga pulis (ang overused na happy ending).

Wednesday, March 02, 2005

J-O-Y! Joy in my Heart!

Narinig nyo na ba sa radyo yung,


J-O-Y! Joy in my heart
Deep deep down in my heart!


At siyempre, may bagong kantang nadagdag sa LSS playlist ko. Nasapawan na yung Tsokolate! Salamat sa magaling kong kaibigan na kinanta ng kinanta kanina.

At habang tumutugtog ito sa aking utak, ay tila may MTV na nakaregister sa aking utak at pinapakita ang mukha ni Michael V. Buti na lang at hindi mga sebo ang nakikita ko.